negosyo

This is FREE marketplace for merchants, distributors, consumers, buyers, exporters, importers and other business minded individuals.
 
HomePortalCalendarFAQSearchMemberlistUsergroupsRegisterLog in

Share | 
 

 Pautang With "extra Income" P1000 For P5 Interest!

View previous topic View next topic Go down 
AuthorMessage
titus101



Posts : 1
Join date : 2011-05-13

PostSubject: Pautang With "extra Income" P1000 For P5 Interest!   Fri May 13, 2011 10:27 pm

BAUSCOOP!!!
BALANCED AND UNITED SERVICE CREDIT COOPERATIVE
Mission: Creating and providing opportunities for a better quality of life.

Kami po ay isang kooperitiba na nagbibigay ng mababang interest sa mga uutang ng pera.

Kami din ay nagbibigay ng pagkakataon na kumita ng pera Kami ay nagtuturo sa mga miyembero ng tamang pagiipon ng pera

Be a member of BAUSCOOP and avail our loans as low as 0.5% interest a month 5 Pesos interest for every 1,000 Pesos.

Alamin kung paano.. Dumalo sa aming libreng seminar na ginagawa araw-araw.

3:00-4:30pm, 5:00-6:30pm, at 7:00-8:30pm

BAUSCOOP - UNIT 406 CORPORATE CENTER BLDG, 948 AURORA BLVD, BRGY MANGGA, QUEZON CITY

MAGTEXT O TUMAWAG PARA SA MGA KARAGDAGANG KATANUNGAN - 09153754399 kiko (tripsilogph09@yahoo.com)

TEXT BAUSCOOP <PURPOSE><NAME> <LOCATION> <OCCUPATION> to 09153754399 kiko (tripsilogph09@yahoo.com)

pag wala occupation lagay <N/A>

Requirements :[B]

Save minimum of P50,(P100),(P200) to the cooperative every week or P800 per month.

Attend the Seminar.

Have a purpose/goal.

Kung tingin mo kaya mo lahat yan pwede ka na!! Alamin na kung paano! text lang kay !09153754399 kiko (tripsilogph09@yahoo.com)

PAGE 1


Sa BAUSCOOPay pwede ka makaipon ng Savings at magbayad ng nautang nang walang nilalabas na pera mula sa iyong bulsa. Ito ay nagiging posible sa pamamagitan ng Reward Points na iyong nakukuha kapag ikaw ay may nahihikayat na sumapi sa BAUSCOOP. May komisyon ka pa sa mga "loans" ng iyong grupo.

FAQ - Frequently Asked Questions

Q1 Paanu sumali sa BAUSCOOP?

A1Kailangan po na dumalo sa libreng 1-hour seminar na siyang tinatadhana ng gobyerno. Kailangan din po na magbayad ng lifetime membership fee na P1,288 at sa Share Capital bilang miyembro at bilang isa na sa may-ari ng kooperatiba na ang pinakamababang halaga sa unang hulog sa Share Capital ay P100.

May membership fee din po para sa BAUSNETMAP na P100. May kontribusyon din po tayo para sa Social Fund na P100 lang. Ito po ay nagpopondo sa benepisyo ng mga kasapi gaya ng scholarship, medical at burial assistance.

Ang "Balanced And United Service Network Marketers Association of the Pihilippines" o BAUSNETMAP po ay samahan ng mga "network marketers" na nagsusulong at nangangalaga sa kapakanan ng miyembro. Kasama na po dito ang pagbibigay serbisyo at benepisyo gaya ng sa medical at scholarships at iba pang tulong pinansyal at propesyonal gaya ng sa legal assistance. Tutulong po ang BAUSNETMAP sa makakaya po nito at sa naayon sa batas at magsusulong sa kapakanan ng miyembro sa wasto at legal na paraan.

Tayo po ay boses at sandalan ng mga Network Marketers sa buong Pilipinas.

Ang BAUSCOOP naman po ay nagseserbisyo sa BAUSNETMAP para po magkapagbigay ng serbisyong pinansiyal sa pamamagitan ng pagpapautang sa napakababang interes at magbigay ng benepisyo, insentibo at iba pang serbisyo na makakagaan at makakatulong sa pamumuhay ng mga miyembro.

Ang suma po ng bayarin ay ito;

P1,288 - para sa lifetime membership sa BAUSCOOP.

P100 - para sa lifetime membership sa BAUSNETMAP.

P100 - para po sa Social Fund.

P100 - para po sa unang hulog sa inyong Share Capital na P2000 ang halaga.

TOTAL = P1,588

Ang Share Capital po ay pwede pagpilian mula sa halaga na 2000 pesos hanggang sa pinakamataas na tinadhana ng gobyerno para sa BAUSCOOP na 200,000 pesos. Kung 2000 po ang Share Capital niyo pwede niyo bayaran ng buo agad o higit sa 100 pesos.

1288+100+100+2000 = P3,488

Kung sa 5000 po na halaga ng Share Capital ang inyong napili ( subscribed Share Capital) ay 500 po ang una niyong unang ibabayad pasa sa Share Capital.

1288+100+100+500 = P1,988

PAGE 2


Q2Magkano po ang pinakamaliit na paunang bayad para lang makapasok sa samahan?Frequ

A2Maari po na magbayad muna sa BAUSNETMAP sa halagang P100. Nakareserba na rin po ang application niyo sa BAUSCOOP.ntly Ask

Pero hindi pa po kayo pwede manghikayat ng miyembro na makasali sa BAUSCOOP sapagkat mga nagmiyembro lang po sa BAUSCOOP ang pwede manghikayat.

Hindi rin po kayo maaaring makautang pa hanggang kayo po ay makasapi ng lubusan sa BAUSCOOP. Hindi rin po niyo maaring makuha ang benepisyo na nakapaloob sa pagsapi sa BAUSCOOP.Q

Q3 Saan napupunta ang membership fee na P1,288?io

A3 Ang Membership Fee ay nagpopondo sa HSB-UES system na nagbibigay kakayahan, insentibo at gana sa mga miyembro na magpalaganap ng BAUSCOOP. Ito ay nagbibigay kakayahan sa mga miyembro para kayo ay mapuntahan at makausap (transportation, presentation aids, leaflets/flyers, tarpaulin posters, clearbook manual and other marketing materials, phone calls, emails and other means to share with you the good news).

Ito rin ang sistema na magpapalakas ng loob sa inyo at magpapagana na ipaalam at ipabahagi sa iba ang benepisyo ng BAUSCOOP. Ang natitira sa membership fee ay pinangpopondo ng kooperatiba sa mga gastusin sa opisina gaya ng renta sa opisina, kuryente, pambili ng kagamitan, papel at pasahod sa mga nagtratrabaho dito.

Q4Kelan pwede umutang ang bagung kasapi?

A4 Kailangan pong maghintay muna ng 12 weeks upang makaipon ng panimulang Savings o Share Capital at ibabase ang unang mauutang sa kabuuang naipon na Savings at Share Capital ng miyembro.

Ito po ay paraan ng kooperatiba para malaman kung seryoso po ang miyembro sa pagsapi at handang gampanan ang responsibilidad niya sa kooperatiba, lalo na sa pagbabayad sa nautang.

Ito rin po ang paraan ng ating kooperatiba (at mga miyembro na kasapi) na mapangalagaan ang kooperatiba sa pamamagitan ng pagsasala sa mga miyembro na sasapi.

Dito po masusubukan ang pasensiya at disiplina ng mga nagnanais na mangutang at kung sila po ay may kapasidad na magbayad ng kanilang nautang.

Q5Anu ang "requirements" para makautang?

A5Kailangan po na ang bagong miyembro ay may nahikayat na maski 2 lamang na nagmiyembro sa loob ng tatlong buwan o bagu umutang. Kung hindi man siya nakakuha ng recruit ay kung anu ang napondo niya ay yuon lamang ang mahihiram niya.

Kung mas madami pa po sa dalawa ang tao na nahikayat niya ay binibigyan siya ng kooperatiba ng konsiderasyon sa pamamagitan ng pagkakaruon ng mas malaking halaga ng pautang.

Kailangan din po ng Baranggay Clearance at proof of billing address at ID sa unang pautang. Depende ang requirements sa halaga ng uutangin. Pero kung marami ang tao niyo ay maaaring mapadali at mas simple ang proseso bilang insentibo sa inyo. Ang dami ng tao na nahikayat ay isang matibay na patunay na seryoso kayo na nagsisikap para magtagumpay bilang kasapi ng BAUSCOOP

PAGE 3


Q6Magkano ang halaga na pwede mautang ng bagung miyembro?

A6 Ang panimulang mauutang po ng bagong miyembro ay doble sa perang naipon. Maaari ding palakihin kung may co-maker na makukuha.

Ang susunod po na pautang ay tataas sa tatlong beses ng kabuuan na pondo o higit pa basta kaya pong bayaran ng miyembro ang paghuhulog sa bayarin sa pautang at kung naging maganda ang record ng pagbabayad sa naunang pautang.

Malaki rin po na basehan ang pagkakaruon ng maraming miyembro na nahikayat sumapi. Kung mas madami po ang tao niyo na napasali sa ating coop ay maari po na mas malaki po ang mauutang niyo maski sa unang utang pa lang.

Q7Gaanu katagal ang pagbabayad ng nautang?

A7Depende ito sa kakayanan magbayad ng nangungutang.

Mabait ang ating kooperatiba. Pwede maski 3 years. May isang vendor na nakautang ng P14,000 at nagbabayad lang ang nakautang ng halagang P100 piso kada linggo. Ang ibang kooperatiba ay nakatali sa 6 na buwan na pagbayad kaya mabigat ang paghuhulog para sa miyembro.

Q8Saan pwede magbayad ng Weekly Savings at Loan Payment?

A8Sa mga bangko po na ito sa ibaba ay pwede maghulog. Dapat ay naihulog ang bayad bagu mag-Biyernes para hindi magmulta o mahuli sa pagbayad. Kailangan din itong itawag o i-text sa opisina.

Basahin po ang nasa baba para sa detalye. May mga iba pang bangko ang kinakausap sa kasalukuyan ng BAUSCOOP para mapadali ang pagbabayad para sa inyo at kasama na po dito ang pagbabayad sa pamamagitan ng text sa cellphone (G-Cash, Smart Money) at sa Cebuana Lhuillier sa pamamagitan ng Smart Money.

Kailangan din po na ibigay sa Main Office ang Deposit Slip para kayo ay mabigyan ng Official Receipt at masiguro na kayo nga ay nagbayad. Ang pag-abiso na kayo ay naghulog sa bangko sa pamamagitan ng pag-text o tawag ay pagbbibigay alam lamang sa BASCOOP na kayo ay naghulog. Kailangan po na maibigay niyo ang Deposit Slip sa Main Office sa loob ng 3 araw para makumpleto ang proseso at para mabigyan kayo ng Official Receipt.

Pwede rin po kaya magbayad sa mga BSMP Representative (Noel Campos, BSMP# 43) para kayo ay mabigyan ng temporary receipt or AR (Acknowledgement Receipt). Kapag naibigay o nai-remit na po ng BSMP sa Main Office yung pera na binayad niyo ay papalitan ito ng Main Office ng OR at ibibigay sa inyo ng BSMP naman.

Mabuti po na may kopya kayo ng Deposit Slip at may AR na hawak. Kailangan niyo po ipakita ang mga OR kapag kayo ay mangungutang na.

Mas mabuti din po na sa bangko kayo maghulog para siguradong nakapasok sa araw na iyon ang hulog niyo. Itawag lang po o i-text ang ginawang pagdeposito. Kailangan lang po na ibigay ang Deposit Slip sa Main Office sa loob ng 3 araw para mabigyan kayo ng OR at masigurong nakapasok na ang bayad niyo.

Ang pinakamainam po na paraan ay ang pagbabayad sa bangko sa mga araw bagu pa sumapit ang Friday at ang pagdala niyo mismo ng Deposit Slip sa opisina para mapalitan ng Official Receipt. Mas mainam din ang buwanan na paghulog (o higit pa) para di kayo madalas pumunta sa bangko.

PAGE 4


Information needed are;

- bank name and location

- amount deposited

- date and time of transaction

- tracking number

- what purpose the payment is for (ex. weekly savings, loan payment, membership)

Example of TEXT MESSAGE:

BAUSCOOP WCS/128/TORRES/SHARMAIGNE/V/P200/FEB14/JAN 27, 2011/268/BPI/CUBAO

Send Text to 0922-8964948

BAUSCOOP SAVINGS ACCOUNTS:

BDO
ACCOUNT NAME: BAUSCOOP
ACCOUNT NUMBER: 149-011-5100

PNB
SAVINGS ACCOUNT NAME: BAUSCOOP
ACCOUNT NUMBER: 453-617-700-012

BPI
SAVINGS ACCOUNT NAME: BAUSCOOP
ACCOUNT NUMBER: 000123-4078-73

REAL BANK
SAVINGS ACCOUNT NAME: BAUSCOOP
ACCOUNT NUMBER: 123-00-400017-2

BAUSCOOP Telephone #. 3524348, 4661067, 0922-8964949, 0922-8964948

Q9Pwede po ba magbayad ng monthly kasi gipit sa oras palagi?

A9Tayo po ay dapat maghulog kada Friday o "weekly", subalit pwede po magbayad ng mothly o higit pa basta po hindi huli sa tatamaang Friday na paghuhulog. Advanced Payment po ang tawag dito. Pinakamainam din po ito uri ng pagbayad sapagkat hindi kayo naaabala ng paghuhulog sa bangko.

Kung kayo po ay nakatakdang magbayad sa Friday na ito ay dapat nagbayad na po kayo nuong nakaraang linggo pa o nuong nakaraang buwan. Pag kayo po ay nagbayad ng Sabado imbes na nuong Biyernes ay huli na po iyon maski na ang buong binayad ay para sa isang buwan na halaga pa.

Q10Papaanu kung mahuli o makalimutan ng miyembro na maghulog ng bayad kada Friday?

A10 Ang miyembro po ay hindi makakakuha ng benepisyo hanggang sa 6 months bilang pagdisiplina. Hindi rin po siya pwede makakuha ng loan na "7-days Zero Interest" at ang 0.5% na loan interest. Pwede lang po siya makakuha ng loan na 3% ang tubo.

PAGE 5


Q11Papaano kikita ng pinakamalaki bilang miyembro ng BAUSCOOP?

A11Ito ay sa pamamagitan ng pagiging BSMP Representative. Para itong "franchise" ngunit sa bahay lamang o pwede niyong gamitin kahit saan kayo magpunta para magpalago ng inyong grupo.

Ang BSMP Representative po ay parang "extension" ng opisina ng kooperatiba, ngunit sa bahay lamang nakabase.

Q12Anu ang mga benepisyo ng mga miyembro?

A12 Aprubado na po ng Board of Directors ang Burial Assistance para sa miyembro.

May mga "travel incentives" din po ang mga kwalipikadong miyembro.

Ang halaga po na makukuha ay nakadepende sa Social Fund ng BAUSCOOP. Binibigyan din ng konsiderasyon ng coop ang dami ng "downlines" o dami ng tao na nahikayat na sumapi.

Wala din pong age limit ito at hindi katulad sa mga patakaran ng Insurance Companies ngayun na napakahigpit. Ito po ay dahil sa kagustuhan ng BAUSCOOP na makatulong sa lahat.

Marami po ang nakalinyang benepisyo na pinag-aaralan na ng Board of Directors natin. Kasama na po dito ang Medical Assistance, Scholarships at iba pang serbisyo.

Q13 Anu ang kaibahan ng BAUSCOOP na may HSB-UES sa mga kompanya na may networking o MLM sa pagbebenta ng produkto?

A13Ang HSB-UES ay konsepto na dinesenyo ni Mr. Henry Bausa upang mapalakas ang "recruitment" ng miyembro at mapaganda ang benepisyo ng miyembro na nagsisipag na ipamahagi sa iba ang BAUSCOOP.

Reward Points system po ang pinapalakad ng BAUSCOOP. Ito po binibigay na parang gift certificate na pwede ipangbili ng produkto ng BAUSCOOP gaya ng sa marketing materials, uniform, grocery ng BAUSCOOP, gamot sa botika ng BAUSCOOP at pambayad sa iba pang produkto at serbisyo ng ating kooperatiba.

Maari din po itong pambayad sa Weekly Savings at sa perang nautang sa BAUSCOOP.

Maari din po itong ipalit sa pera sa mga BSMP Representatives at sa main office.

Maliban po sa Reward Points ay may komisyon po ang miyembro sa mga halaga ng nautang ng kanyang grupo.

May komisyon po siya sa kanyang 1st Level Downlines na 0.45%. Sa 2nd level po ay 0.30% ang komisyon. May komisyon po kayo sa kabuuang "loans" sa hanggang 18 level na downlines niyo.

Kung ang 200 na 1st Level downlines po niya at umutang ng tig-50 libo lahat ay may P45,000 po siya na komisyon kada buwan. Hindi pa po dito kasali yung 2nd up to 18-Level downlines niya kaya maari pong umabot sa 100 libo o 1 milyon ang komisyon niya kada buwan habang lumalaki ang grupo niya.

Sa 1st at 2nd level pa lang ay maaring 100,000 libo na ang makokomisyon niyo kada buwan kung papalo ang utang sa 10 milyon.

PAGE 6


Marami na po ang miyembro natin ang nakautang ng 50 libo pataas. Habang tumatagal ay dumadami at lumalaki ang pautang at lumalaki din siyempre ang komisyon niyo.

Q14Anu ang pinakamagandang bagay sa BAUSCOOP kumpara sa ibang kooperatiba o lending company?

A14Sa BAUSCOOP ay pwede ka makaipon ng Savings at pati magbayad ng utang nang walang nilalabas na pera mula sa iyong bulsa. Ito ay nagiging posible sa pamamagitan ng Reward Points na iyong nakukuha kapag ikaw ay may nahihikayat na sumama sa BAUSCOOP.

Sa isang bagung miyembro na makukuha mo ay sapat na ang Reward Points na makukuha mo para pambayad sa 2 buwan na hulog mo kung ikaw ay nagbabayad lamang ng P50 kada Biyernes.

Sa BAUSCOOP ay sinusuklian ang iyong pagod at tiyaga sa pamamagitan ng Reward Points at komisyon kasama na ang mga benepisyo at murang pagpapautang.

Q15Anu ang penalty sa pagpalya ng bayad sa 7-Day Zero Interest na loan?

A15May 0.5% na penalty charge kada araw ng palya.

Makakaapekto din ito sa Credit Investigation ( CI ) o screening ng susunod na loan application.

Hindi rin pwede ipambayad sa loan ang Savings o pondo na naipon. Ito ay labag sa doctrina ng disiplina ng BAUSCOOP.

Makakatulong ka pa sa kapwa sa pamamagitan ng pagbibigay sa kanila ng kapasidad para mapagaan ang kanilang pananalapi sa tulong ng pautang na abot-kaya ang pagbayad at dagdag paniguro sa oras ng kagipitan o pangangailangan tulad ng medical o tuition!

Matututo pa sila na magpahalaga sa tamang paggamit o paggastos ng pera.

Pinakamabuti sa lahat ay matutulungan natin sila na umangat ang buhay sa pamamagitan ng pagkakaruon ng sariling negosyo o pagbili ng kagamitan sa tulong ng murang pautang mula sa kooperatiba.

At ito pa! Ang referral bonus at komisyun ay dagdag kita para sa mga miyembro. Kung masipag ka lang na magrecruit ay di mo na halos kailangan pang magpaluwal ng iyong sariling pera kasi pwede mo nang pambayad ang kita mo mismo sa Loan Network Income and Recruitment Referral Reward Points.

Sa BAUSCOOP ay pwede ka makaipon ng Savings at pati magbayad ng utang nang walang nilalabas na pera mula sa iyong bulsa. Ito ay nagiging posible sa pamamagitan ng Reward Points na iyong nakukuha kapag ikaw ay may nahihikayat na sumama sa BAUSCOOP. May komisyon ka pa sa mga "loans" ng iyong grupo.

MICHAEL JOHN E. QUINTOS
Bauscoop id#2069
639153754399
tripsilogph09@yahoo.com
www.bauscoop.com
Back to top Go down
View user profile
 
Pautang With "extra Income" P1000 For P5 Interest!
View previous topic View next topic Back to top 
Page 1 of 1
 Similar topics
-
» BRWN granted 272 Millions Interest free loan to Browns Investments (associate 27%)?
» Sri Lanka' latest interest rates revision and it's effect on the Colombo Stock Exchange (CSE)
» Interest Rate Forecast
» ER To Weaken, Interest Rates To Rise
» Interest rates enter double digit range

Permissions in this forum:You cannot reply to topics in this forum
negosyo :: Networking MLM :: Wanted-
Jump to: